Mag-ama grinanada, todas

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa mag-ama habang grabe namang nasugatan ang isa pa matapos na pasabugan ng grenade launcher ng mga rebelde sa bahagi ng Barangay Poblacion sa bayan ng Buluan, Maguindanao.

Dead-on-the-spot si Sakuli Lindungan habang namatay naman sa  Buluan District Hospital ang anak na babaeng si Kabulan Lindungan Salemengkugan.

Kasalukuyan naman nakikipaglaban kay kama­tayan ang isa pang anak ni Sakuli na si Mantanas na inilipat sa Tacurong City Hospital.

Ayon sa tagapagsalita ng Army’s 6th Infantry Division na si Lt. Col. Prudencio Asto, bandang alas-9:30 ng gabi habang mahimbing na natutulog ang pamilya ni Sakuli ng yanigin ng grenade launcher.

Nabatid na dalawang bala ng M203 grenade launcher ang pinakawalan ng mga rebelde malapit  sa tahanan ni Mayor Ibrahim Mangudadatu.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa motibo ng krimen.

Show comments