2 vintage bomb natagpuan

LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Dalawang vintage bomb na inakalang mga simpleng bakal lamang ang natagpuan ng mga batang yagit sa Barangay Sila­ngang Mayao sa Lucena City, Quezon, kamakalawa ng umaga. Ayon kina PO3 Alvin Evangelista at PO2 Randy Buenaventura, dakong alas-11:10 ng umaga habang nagsasagawa ng routinary inspection ang mga operatiba ng Patrol 117 at Lucena PNP sa Metropolis Subdivision ay namataan nila ang grupo ng mga batang yagit na may bitbit na mga bakal. Nang siyasatin ay magkakatuwang na bitbit ng mga bata ang dalawang lumang bomba na posibleng sumabog kapag pinukpok ang pinakadulo. Sa takot ng mga bata ay nagpulasan kung saan iniwan ang dalawang sinaunang bomba. Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang dalawang bomba para sa kaukulang disposisyon.

Show comments