Police informer nilikida

BULACAN, Philippines  – Binaril at napatay ang isang 63-anyos na misis na sinasabing tiktik ng pulisya sa patuloy na karahasang nagaganap sa bayan ng Balagtas, Bulacan kahapon ng umaga. Napuruhan ng bala sa batok si Julita Francisco, biyuda na kasapi ng Northville 6 Homeowners Association sa Barangay Santol sa nabanggit na bayan. Sa ulat ni SPO3 Roberto Santos, lumilitaw na nakikipag-usap ang biktima sa dalawang kapitbahay nang lapitan at barilin ng 'di kilalang lalaki saka tumakas lulan ng motorsiklo. Sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong may kinalaman sa krimen ang isinampang kaso ng biktima laban sa isang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Show comments