Alalay ng konsehal itinumba

KIDAPAWAN CITY, Philippines  – Napaslang ang isang ex-Army Sargeant na sinasabing alalay ni Councilor Dano makaraang ratratin ng mga 'di-pa kilalang lalaki sa bisinidad ng Alim Street sa Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng umaga. Dalawang bala sa ulo at balikat ang tumapos sa buhay ni Devi Orban, 48, habang si Kadiquia Macadatu ay nasugatan marapos tamaan ng ligaw na bala ng cal. 45 pistol. Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon, bumibili ng sigarilyo sa tindahan si Orban nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang 'di-pa kilalang lalaki. Ayon kay P02 Conrado Abalos, ito ang ikalawang insidente ng pamamaril na naganap sa Kidapawan City noong nakalipas na linggo kung saan naunang binaril at napatay ang negosyanteng si Judith Antolin noong Biyernes sa River Park sa Barangay Poblacion.

Show comments