MANILA, Philippines - Tatlong banyaga na pinaniniwalaang miyembro ng West African Drug Syndicates (WADS) ang naaresto sa isinagawang drug bust operation ng mga operatiba ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bayan ng Bacoor, Cavite, kamakalawa ng hapon.
Sa ulat na nakarating kay PNP Chief Director General Raul Bacalzo, sumasailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Victor John Oko, 37, Nigerian; Pedro Mendez, 34, ng Papua New Guinea at si Bob Douglas, 32, South African.
Matapos ang ilang linggong paniniktik sa mga suspek ay inilatag ang dragnet operation na pinangunahan ni P/Chief Insp. Harold Aglipay ng PNP-Anti-Illegal Drug Special Operation Team (AID-SOT) Crame.
Nadakip ang tatlo sa bisinidad ng Barangay Habay 1, sa harapan ng malaking department store sa nabanggit na bayan.
Nakumpiska sa mga suspek ang paketeng plastic na naglalaman ng 100 gramo ng shabu, iba’t ibang identification cards, bundle- bundle na salaping papel.