^

Probinsiya

3 kasapi ng WADS tiklo sa drug bust

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlong banyaga na pinaniniwalaang miyembro ng West African Drug Syndicates (WADS) ang naaresto sa isinagawang drug bust operation ng mga operatiba ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bayan ng Bacoor, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating kay PNP Chief Director General Raul Bacalzo, sumasailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Victor John Oko, 37, Nigerian; Pedro Mendez, 34, ng Papua New Guinea at si Bob Douglas, 32, South African.

Matapos ang ilang linggong paniniktik  sa mga suspek ay inilatag ang dragnet operation na pina­ngunahan ni P/Chief Insp. Harold Aglipay ng PNP-Anti-Illegal Drug Special Operation Team (AID-SOT) Crame.

Nadakip ang tatlo sa bisinidad ng Barangay Habay 1, sa harapan ng malaking department store sa nabanggit na bayan.

Nakumpiska sa mga suspek ang paketeng plastic na naglalaman ng 100 gramo ng shabu, iba’t ibang  identification cards, bundle- bundle na salaping papel.

BARANGAY HABAY

BOB DOUGLAS

CHIEF DIRECTOR GENERAL RAUL BACALZO

CHIEF INSP

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG SPECIAL OPERATION TEAM

DRUG SYNDICATES

HAROLD AGLIPAY

PAPUA NEW GUINEA

PEDRO MENDEZ

SOUTH AFRICAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with