Pulis, 3 pa tiklo sa pot session

KAMPO ALEJO SANTOS, Bulacan, Philippines  – Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa serbisyo at makasuhan ang isang pulis-Obando matapos maaresto kasama ang tatlong iba pa sa pot session sa Barangay Poblacion sa bayan ng Pandi, Bulacan kama­kalawa.

Dinisarmahan at kinasuhan ni Bulacan PNP director P/Senior Supt Wendy Rosario ang suspek na si PO2 Lucman Mamaya, 47, habang kinasuhan din sina Romano Del Rosario, 35; Roberto Hay, 50, kapwa residente ng Brgy. Poblacion at German Santos, 50, ng Brgy. Mapulang Lupa.  Base sa ulat ni P/Chief Insp.Rene Casis, sinalakay ang bahay ni Del Rosario matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa nagaganap na pot session kung saan naaresto ang tatlo habang si PO2 Mamaya naman ay nakatakas. Lingid sa kaaalaman ni PO2 Mamaya ay naitimbre na sa kanyang hepe na si P/Chief Insp. Lorenzo Paynor na kasama ito sa pot session.

Sa pag-aakala ni PO2 Mamaya na walang nakakita sa kanya sa pot session ay bumalik na sa himpilan ng pulisya kinabukasan subalit kaagad siyang inaresto ni Paynor matapos magpositibo sa drug test.

Show comments