^

Probinsiya

Hayskul stude dedo sa titser

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines –  Isang 15-anyos na high school student ang iniulat na nasawi matapos aksidenteng mabaril ng isang guro na sinasabing nairita nang hindi paawat  ang dalawang grupo ng mga pasaway na kabataang estudyante sa pag-aaway sa harapan ng eskuwelahan sa General Santos City, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang napatay na si Kenneth Dave Edil ng City Heights sa nabanggit na lungsod at junior high school student sa Ireneo Santiago High School.

Arestado at pormal na kinasuhan ang suspek na si Ismael Garvida na nakumpiskahan ng isang cal. 38 revolver na ginamit nito sa pamamaril.

Base sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang krimen sa harapan ng na­sabing eskuwelahan dakong alas-11:20 ng tanghali.

Lumilitaw na kalalabas lamang ni Garvida sa gate ng eskuwelahan nang ma­bungaran nito ang dalawang grupo ng kabataang estudyante na nag-aaway.

Nabatid na tumang­ging paawat ang dalawang grupo ng kabataan matapos ma­magitan ang guwardiyang si Jocelyn Ylanan.

Gayon pa man, sinigawan ng nasabing guro ang magugulong estudyante subalit patuloy pa rin ang suntukan ng mga ito kaya dito na napuno ang guro at inagaw ang baril ni Ylanan saka nagpaputok ng warning shot upang matigil.

Dito na bumulagta si Edil at idineklarang patay sa St. Elizabeth Hospital matapos tamaan ng bala sa katawan. Habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

vuukle comment

CAMP CRAME

CITY HEIGHTS

GENERAL SANTOS CITY

IRENEO SANTIAGO HIGH SCHOOL

ISMAEL GARVIDA

JOCELYN YLANAN

KENNETH DAVE EDIL

SOUTH COTABATO

ST. ELIZABETH HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with