BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Umaabot sa 4,000 board feet na torso na walang kaukulang papeles mula sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang nasabat sa magkahiwalay na operasyon ng task force sa Isabela.
Ayon sa ulat, naunang nasabat ng mga tauhan ng Anti-Illegal Logging Task Force ang 2,000 board feet na troso at iba pang iligal na kahoy na lulan ng Isuzu Elf truck sa Abuan River sa Barangay Bintacan, sa bayan ng Ilagan, Isabela.
Nasabat din sa ikalawang operasyon ang 2,600 board feet ng narra na lulan naman ng dalawang sasakyan sa bayan ng San Mariano.
Karamihan sa mga nakumpiskang troso at iba pang uri ng kahoy ay nagmula sa kabundukan ng Sierra Madre.