^

Probinsiya

Fund lending collector pumalag sa holdap, binoga

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines –  Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang collector ng isang lending firm matapos itong pagbabarilin nang manlaban sa tatlong holdaper na naganap sa Cabangan Public Market, Cabangan, Zambales, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Noeme Peralta, 43, money collector ng Four Leaf Fund Lending & Development Corp. at residente ng Brgy. Lapaz, San Marcelino ng lalawigang ito.

Nasa kritikal pa ring kondisyon ang biktima sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa Iba, Zambales sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo.

Naganap ang insidente sa nasabing palengke bandang ala-1:45 ng hapon.

Kasalukuyang hinihintay ng biktima ang kaniyang kasamahang si Galathea Villarma, 43, nang biglang lapitan ng tatlong holdaper na nakasuot ng bonnet at sumbrero na lulan ng isang motorsiklong walang plaka. Agad na nagdeklara ng holdap ang mga suspek kung saan ay pilit na inaagaw ang bag ni Peralta na naglalaman ng malaking halaga ng pera.

Nanlaban naman si Peral­ta, bunsod upang barilin ito ng isa sa mga holdaper na hindi pa nakuntento ay tinangay rin ang cell phone nito saka mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

vuukle comment

BRGY

CABANGAN

CABANGAN PUBLIC MARKET

DEVELOPMENT CORP

FOUR LEAF FUND LENDING

GALATHEA VILLARMA

NOEME PERALTA

PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY MEMORIAL HOSPITAL

SAN MARCELINO

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with