Anak ng ex-vice mayor todas

BULACAN , Philippines   – Kamatayan ang sumalubong sa anak ng dating vice mayor ng Meycauayan City makaraang sumalpok ang kaniyang sasakyan sa concrete barrier ng North Luzon Expressway na sakop ng Barangay Tambubong sa bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon. Namatay habang ginagamot sa ospital si Salvador Violago Jr. 27, binata, anak ni ex-Vice Mayor Salvador “ Bogs” Violago ng Brgy.Camalig, Meycauayan City habang sugatan naman ang kasama nitong si Trinidad Aquino. Base sa imbestigasyon ni PO2 Ricky Baluyut, patungo sa hilagang direksyon ang biktima lulan ng Toyota Fortuner (Jay-07) nang bumang­ga sa concrete barrier. Pinaniniwalaang sumabog ang unahang gulong ng sasakyan ng biktima kaya naganap ang sakuna.

Show comments