Konsehal, 2 pa pinabulagta

MANILA, Philippines - Tatlo-katao kabilang ang municipal councilor ang iniulat na napaslang makaraang tambangan ng motorcycle-riding gunmen sa harapan ng gasoline station sa kahabaan ng highway ng Bangued, Abra noong Martes ng gabi.

Kabilang sa mga napatay ay sina Montano “Monching” Inon, 37, municipal councilor ng bayan ng Tineg; Berting Inon, 45; at si Diego Biglay, 25, pawang taga-Cagayan, Tineg.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Armando Laguiwid, Abra PNP director, lumilitaw na magkakaangkas sa Honda XRM motorcycle (2514AF) ang mga biktima patungong Bangued town proper nang umalingaw­ngaw ang sunud-sunod na putok ng baril mula sa nakamotorsiklo ring gunmen pagsapit sa Rizal Street sa Zone 7.

Nagawa pang isugod sa Abra Provincial Hospital ang mga biktima subalit idineklarang patay.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistola habang sinisilip ang anggulong may kinalaman sa politika ang krimen. Joy Cantos, Artemio Dumlao at Victor Martin

Show comments