Pulis nilikida ng Sayyaf

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang alagad ng batas makaraang pagbabarilin ng ‘di-pa kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Kasalamatan sa bayan ng Patikul, Sulu kamakalawa ng umaga. Kinilala ang nasawi na si PO3 Mansul Habibain ng 1514th Provincial Public Safety Management Company. Lumilitaw na bumibili ng sigaril­yo ang biktima sa tindahan nang lapitan at ratratin ng nag-iisang armadong lalaki na sinasabing bagong rekrut ng grupong Abu Sayyaf.

Show comments