3 tiklo sa 2.6 kilong 'damo'

NUEVA ECIJA, Philippines — Tatlo-katao kabilang ang isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit ang dinakma ng mga operatiba ng pulisya makaraang makumpiskahan ng dalawang bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana noong Miyerkules ng gabi sa bayan ng Pantabangan, Nueva Ecija. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Rizaldo Gambulao y Caycayan, 28, ng Barangay Galintuha, sundalo ng Cafgu sa 70th Infantry Battalion ng Philippine Army; Gelar Gambulao, 19, utol ni Rizaldo; at si Noli Tangaro ng Barangay Galintuha. Base sa police report, nasita ang mga suspek na lulan ng dalawang motorsiklo sa PNP checkpoint sa Barangay Poblacion East. Nang kapkapan ang mga suspek ng mga tauhan ni P/Supt. Edgar Allan Okuba ay nasamsam ang 2.6 kilong marijuana na nakatago sa kani-kanilang jacket.

Show comments