Pulis nilikida ng Sayyaf

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang bagitong pulis matapos na pagbabarilin ng mga armadong lalaki na pinaniniwalaang grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf sa bayan ng Siasi, Sulu kamakalawa. Kinilala ang napatay na si PO1 Herman Salibandan ng 1511th Provincial Public Safety Management Company. Ayon sa imbestigasyon, bumibili ng kahoy ang  biktima sa Jamaa Lumberyard sa Barangay North Laud nang matiyempuhan ng gunmen.

Show comments