Konsehal itinumba

MANILA, Philippines - Tinambangan at na­patay ang isang konsehal matapos dumalo sa paglilitis ng korte sa naganap na karahasan sa harapan ng eskuwelahan sa bayan ng Mambusao, Capiz kamakalawa.

Kinilala ang napaslang na si Kagawad Ruperto Olilang ng Barangay Najus-an. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang krimen sa harapan ng elementary school sa Brgy. Bula pasado alas-12 ng tanghali.

Kalalabas lamang ng biktima sa Hall of Justice matapos dumalo sa paglilitis kaugnay ng kaso ng alitan sa lupa laban sa kaniyang kapitbahay nang ratratin.

Isa namang testigo ang nagsabi sa mga imbestigador na may 30-minutong hinintay ng dalawang ‘di-kilalang lalaki ang biktima.

Show comments