6-anyos hinostage sa mall

MANILA, Philippines - Nabulabog ang mga mamimili sa shopping mall matapos i-hostage ang isang 6-anyos na totoy ng naburyong mister sa loob ng fasftfood chain sa Zamboanga City kamakalawa.

Bagaman nasugatan sa leeg ay ligtas na nabawi si John Francis habang nasakote naman at nahaharap sa kasong kriminal ang hostage-taker na si Al Abisani, 27.

Naganap ang insidente sa loob ng Greenwich Pizza Restaurant sa loob ng MINPRO Citimall sa Purisima Street, Zamboanga City bandang alas-4:30 ng hapon.

Napag-alamang kumakain sa fastfood chain ang bata kasama ang ilang kasambahay nito nang sunggaban at tutukan ng patalim ng suspek.

Ayon sa pulisya, nabur­yong ang suspek kaya hinostage ang bata dahil bigo itong makahanap ng trabaho.

Show comments