^

Probinsiya

LTO officer itinumba ng pulis

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napaslang ang liaison officer ng Land Transportation Office (LTO) sa Sulu makaraang pagbabarilin ng limang kalalakihan kabilang na ang isang pulis sa loob ng hotel malapit sa airport ng Zamboanga City kahapon ng umaga.

Sa ulat ni acting Zamboanga City PNP director P/Senior Supt. Edwin de Ocampo, kinilala ang napatay na si Abdulhamin Mohammad Bandahala, 41, tubong Indanan, Sulu at nakatalaga sa LTO Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Sulu.

Nasakote naman ang mga suspek na sina PO2 Bensaudi Sakiran ng Talipao PNP station; Alnaser Labor, Garwas Tulawid, Kibar Pala at ang drayber na si Cabrera Hassan.

Sinabi ni de Ocampo na naganap ang krimen sa front desk ng Azenith Ro­yale Hotel sa Gov. Camins Road na may ilang metro lamang ang layo sa Zamboanga City Airport.

Nabatid na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Bandahala at PO2 Sakiran kaugnay sa agawan sa hotel room kung saan humantong sa suntukan ng dalawa.

Nakipasabwatan na rin ang mga kasama ni PO2 Sakiran kung saan pinagbabaril ang biktima bago tumakas ang mga suspek.

Sa follow-up operation ng pulisya nasakote naman ang mga suspek na nakumpiskahan ng dalawang baril habang patuloy naman ang imbestigasyon.

ABDULHAMIN MOHAMMAD BANDAHALA

ALNASER LABOR

AUTONOMOUS REGION

AZENITH RO

BENSAUDI SAKIRAN

CABRERA HASSAN

CAMINS ROAD

GARWAS TULAWID

KIBAR PALA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with