Lider ng NPA, aide arestado
LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Isa sa pinakamataas na lider ng New Peoples Army sa Southern Tagalog at tauhan nitong na sinasabing kawani ng Pamahalaang Panglalawigan ng Quezon ang nasakote sa isinagawang dragnet operation ng pulisya at military kamakalawa ng gabi sa Barangay Ibabang Iyam, sa Lucena City, Quezon.
Sa ulat nina Lt.Gen.Rholand Detabali at Quezon PNP Director P/Senior Supt. Atty. Erikson Velasquez, kinilala ang dalawa na sina Tirso Alcantara y Lagore, 57, alyas Ka Bart/Nissan; at Apolonio Del Carmen Cuarto, alyas Ka Polly, 48.
Si Alcantara ay pinuno ng Southern Tagalog Regiona Party Committee at may patong sa ulo na P2.6 milyong reward.
Nabatid na may 23 warrant of arrest si Ka Bert na inisyu ni Judge Virgilio Alfajora ng RTC Branch 59, kung saan namataan sa mga kabahayan malapit sa Lourdes Church.
Dito na isinagawa ang dragnet operation sa pamumuno nina P/Supt. Balanag at 1LT. Jefferson Baleros ng 3rd SF Battalion ng Phil. Army.
Tinangka pang tumakas si Ka Bart at bumunot ng baril subalit naunahan siyang barilin ng isang sundalo sa pigi kung saan dinala sa ospital bago inilipat sa Fort Bonifacio.
- Latest
- Trending