Ama sinaksak ng anak

NUEVA ECIJA, Philippines – Sa kulungan nagdiwang ng noche buena ang isang 25-anyos na fish vendor makaraang saksakin nito ang kanyang ama sa Barangay Magpapalayok, bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija. Ipis at daga sa rehas na bakal ang nakapiling ni Albert dela Cruz y Cumbe, ng Barangay Magpapalayok, San Leonardo habang ginagamot naman sa Gapan District Hospital si Roberto dela Cruz, 43. Nabatid na dakong alas-5 ng hapon nang makaaway ng suspek ang isa sa kainuman subalit inawat ng biktima. Imbes na makinig sa ama ang suspek na nakakahiya sa mga kainuman ng alak ay isinagawa ang pananaksak. Pormal naman kakasuhan ang suspek habang nakakulong.

Show comments