Totoy nagbuwis ng buhay dahil sa kaibigan

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang 9-anyos na batang lalaki matapos itong magpakabayani sa pagsagip sa nalulunod na kaibigan sa Brgy. Canasujan, sa bayan ng Carcar, Cebu, ayon sa ulat kahapon.

Bandang alas-3 ng hapon kamakalawa nang magkayayaang maligo sa ilog ang mga bata kasama si Archie Anor sa Sitio Ylaya.

Habang naliligo ay biglang nagkakawag ang nalulunod na tinukoy lamang sa pangalang Kyle kaya agad na tumalon sa pampang ng ilog si Anor para sagipin ang kaibigan.

Gayon pa man, nabigong masagip si Kyle na nagawa namang pagtulu­ngang maiahon ng iba pa nilang mga kaibigan pero tuluyang nilamon ng ilog ang biktima.

Nagawang maiahon si Anor ng isang residente sa lugar na sumaklolo matapos na marinig ang pag­hingi ng saklolo ng mga bata pero nabigong ma­isalba ang buhay.

Samantala, labis na kalungkutan ang bumalot sa pamilya ni Anor sa luksang salubong sa Kapaskuhan.

Show comments