Dalaga pinilahan

BULACAN, Philippines – Napariwara ang kinabukasan ng isang 28-anyos na dalaga makaraang pilahan ng magpinsang lalaki kamakalawa ng gabi sa Barangay San Jose sa bayan ng Baliwag, Bulacan. Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Katrina para ireklamo ang mga pinsan nitong sina Ardie Ayade, 20; at Ronald Rodriguez, 20, kapwa nakatira sa Sitio Tumana sa nabanggit na barangay. Base sa police report, bumisita sa bahay ng biktima ang mga suspek na may bitbit na ilang bote ng alak at pulutan para maagang ipagdiwang ang Kapaskuhan. Nang malango ang biktima ay pinilahan ng magpinsan sa loob mismo ng kanyang bahay.

Show comments