Misis inaway ni mister, nagbigti

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang 26-anyos na misis ang iniulat na nagbigti sa loob ng kanilang bahay makaraang komprontahin ng kanyang mister kaugnay sa pagiging adik ng una sa alak sa Purok 4, Barangay Malolos, sa bayan ng Malinao, Albay kahapon ng umaga. Bandang alas-7 ng umaga nang matagpuang nakabitin si Cristina Cordona. Huling namataang buhay ang biktima habang nakikipagtalo sa kanyang mister. Nabatid na pinagbawalang uminom ng alak ang biktima ng kanyang mister. Pinaniniwalaang sinamantala ng biktima ang pag-alis ng kanyang mister saka nagpasalubong kay kamatayan.

Show comments