Trader dinedo ng adik

QUEZON, Philippines  — Isa na namang trader ang iniulat na nasawi makaraang mapagtripan ng mga adik sa bawal na droga na pagtulungang saksakin kamakalawa ng gabi sa Metropolis Subdivision sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon. Pitong saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ni Carlos Tina Jr. ng Mendeja Street sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO3 Jefferson Tarog, huling namataang buhay ang biktima na lulan ng motorsiklo mula sa kanyang bahay. Hindi na nakauwi ang biktima hanggang sa matagpuan patay. Posibleng napagtripan ang biktima ng mga adik sa bawal na gamut.

Show comments