2 hired killer pinabulagta
MANILA, Philippines – Dalawang kalalakihan na miyembro ng gun-for- hire group ang iniulat na napaslang sa naganap na bakbakan laban sa mga alagad ng batas sa bayan ng Cabuyao, Laguna kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay P/Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr., isa sa napaslang ay si Ernante Hitape, aktibong kasapi ng gun for hire group na sangkot sa paglikida ng mga prominenteng personalidad sa Southern Tagalog.
Ang grupo ng dalawa ay may koneksyon sa Landicho-Asero group na ang modus operandi ay highway robbery, carnapping at drug trafficking sa Cavite, Laguna, Rizal, Batangas at Quezon.
Base sa police report, bandang alas-3:45 ng madaling-araw nang masabat ng pinagsanib na operatiba ng Regional Public Safety Battalion at pulis-Laguna Police ang riding-in-tandem sa Brgy. San Isidro, Cabuyao kung saan agad nagkaputukan ang magkabilang panig.
Nabatid na si Hitape ay natukoy na pumatay kay Biñan Councilor Rodrigo Casas noong Nobyembre 2010.
Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang pulisya matapos na makatanggap ng ulat na may modus operandi ang grupo ni Hitape na isa na namang lokal na opisyal sa Laguna ang planong itumba.
- Latest
- Trending