Pulis dinedo sa lamayan

CAMP BADO DANGWA, Benguet, Philippines — Isang  alagad ng batas na sinasabing nakikipaglamay sa burol ng kanyang kamag-anak ang napagtripang saksakin at mapatay noong Martes sa Barangay Poblacion, sa bayan ng Sadanga, Mt. Province. Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan si SPO1 Salvador Padyaos ng Sadanga PNP, samantalang nasakote naman ang suspek na si  Fermin Kawaren ng Sitio Fangek, Maatong. Ayon sa police report, umuwi sa Sadanga ang biktima para bisitahin ang kanyang pamilya at dumalaw sa  lamay sa kanyang yumaong kamag-anak. Nakabaon pa ang patalim sa likuran ng biktima nang isugod sa Bontoc General Hospital.

Show comments