Staff ng solon itinumba
December 12, 2010 | 12:00am
MANILA, Philippines – Napaslang ang isang 36-anyos na staff ni Congressman Randy Ting makaraang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa naganap na pananambang sa Tuguegarao City, Cagayan noong Biyernes ng gabi. Idineklarang patay sa St. Paul Hospital si Michael Panaligan matapos tambangan sa hangganan ng Brgy. Buntuan at Cataggaman ng nasabing lungsod. Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa pulitika ang motibo ng insidente habang patuloy ang imbestigasyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended



















