2 todas sa encounter

MANILA, Philippines - Dalawa-katao kabilang ang isang Army sergeant ang nasawi makaraang magpang-abot ang militar at mga miyembro ng kidnap-for-ransom gang sa bayan ng Olutanga, Zamboanga Sibugay, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay Army’s 1st Infantry Division Chief Major Gen. Romeo Lustestica, nakasagupa ng 102nd Infantry Brigade ang grupo ni Kumander Kamsa Asdanal sa liblib na bahagi ng Brgy. Pulo Mabaw. Naisugod sa military hospital si Sergeant Ismael subalit idineklarang patay. Nakatanggap naman ng impormasyon ang militar na napatay din sa bakbakan ang anak ni Asdanal.

Show comments