CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napaslang ang isang 32-anyos na mangingisda na pinaniniwalaang suspek sa kasong rape makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa bisinidad ng Sitio Angas, Barangay Butag sa bayan ng Bulan, Sorsogon kamakalawa.
Nasapol sa ulo si Jeffrey Masdo, habang nakatakas naman ang grupo ng mga rebelde kabilang na si Andres Hubilla na may alyas Magno/Bunso.
Lumilitaw na pinalabas ang biktima sa kanyang bahay saka kinompronta ng suspek kaugnay sa kasong panghahalay sa kanilang barangay. Napaluhod at nagmamakaawa ang biktima subalit niratrat pa rin ng suspek.