Holdaper dedo sa shootout

QUEZON, Philippines  – Isa sa apat na miyembro ng notoryus robbery holdup gang ang nasawi makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa isinagawang follow-up operation sa bahagi ng Barangay Silangang Malicboy sa bayan ng Pagbilao, Quezon kamakalawa. Namatay habang ginagamot sa ospital si Ricky Dela Cruz ng Meycauayan, Bulacan habang nasakote naman si Jhon Mark Tatlong hari.Tugis naman ng pulisya ang tatlong suspek na sina Raymundo Losloso, Dennis Caraan at Rowena Pesigan. Lumilitaw sa imbestigasyon ni PO3 Allan Falqueza, bago maganap ang shootout ay ninakaw ng mga suspek kargamento na nakalulan sa delivery truck. Napag-alamang bago masawi si Dela Cruz ay naikanta nito ang kanyang mga kasamahan sa gang.

Show comments