Suspek sa rape slay tiklo

BULACAN, Philippines — Arestado ang isa sa limang kalalakihan na pinaniniwalaang responsable sa panghahalay at brutal na pagpatay sa isang 16-anyos na babae sa loob ng kaniyang bahay sa Barangay Sta. Rita sa bayan ng Guiguinto, Bulacan. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Oscar Herrera ng Malolos City Regional Trial Court Branch 20 naaresto ni PO3 Danilo Gatchalian ang suspek na si Norman Pagapulangan, 27. Sa record ng pulisya, pi­nagtulungang halayin saka ginilitan si Jojesma Ferrol sa loob ng kanyang kuwarto ng kanyang tiyahin noong Disyembre 3, 2009 sa nabanggit na bayan. Kasalukuyang tugis ng pulisya ang apat iba pang suspek.

Show comments