TUBLAY, Benguet, Philippines – Himalang nakaligtas kay kamatayan ang labindalawa-katao mula sa napisak na pribadong dyipni na nahulog sa may 100 metrong lalim na bangin sa Suyok, Barangay Daclan sa bayan ng Tublay, Benguet kahapon ng umaga.
Kabilang sa mga sugatang pasahero na nasa ligtas na kalagayan ay sina Efren Bayeng, 30; Benedict Bayeng, 30; Jomar Emoco, 15; Melicio Mariano, 38; Jonie Sinlao, 38; Efren Mariano, 40; Jonel Cutay, 12; Lindo Nabus, 23; Rogine Acosta (driver), 21; Abraham Buddong, 50; Rommel Acosta, 29; at si Lydia Acosta, 44.
Samantala, sina Orlando Acosta, 46; at Walsi Tomasa, 62, malubhang nasugatan at ngayon ay nasa Benguet General Hospital.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na patungong La Trinidad nang mawalan ng preno ang sasakyan kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber at bumulusok sa bangin.