Rapist todas sa shootout

MANILA, Philippines - Napaslang sa shootout ang isang wanted na rapist matapos manlaban sa mga awtoridad  sa Upper Mandug, Brgy. Buhangin, Davao City kamakalawa.

Kinilala ang nasawing suspect na si Antonio Dandoy, wanted sa kasong 3 counts ng rape na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) 11, Branch 8 ng lungsod.

Batay sa report ng Police Regional  Office (PRO) 11, dakong alas-7 ng gabi  habang isinisilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa suspect ng manlaban ito at magpaputok ng baril sa arresting team.

Agad namang nasawi ang suspect matapos itong makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad.

Narekober sa crime scene ang isang cal 38 revolver, tatlong rounds ng bala at dalawang homemade handguns.

Show comments