Konsehal kritikal sa ambus

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan ang isang 37-anyos na konsehal ng barangay makaraang pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa Cotabato City kamakalawa ng umaga. Kasalukuyang nasa Cotabato Regional Medical Center si Councilor Argon Pangilinan Husalan ng Barangay Tamontaka 2. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Willie Dangane, Cotabato PNP director, bandang alas -6:58 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa kahabaan ng Don Rabago Street sa harapan ng Xia Ling and Circuit Restaurant sa Mother Barangay Rosary Heights. Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa nakalipas na barangay at SK elections noong Oktubre 25 ang krimen.

Show comments