^

Probinsiya

Bodega ng paputok sumabog

-

BULACAN, Philippines – Nagutay ang katawan at nasawi ang 54-anyos na biyuda habang siyam na iba pa ang malubhang na­sugatan makaraang sumabog ang bodega na pagawaan ng iligal na paputok sa Sitio Tugatog, Brgy. Marungko sa bayan ng Angat, Bulacan noong Lunes ng gabi.

Idineklarang patay sa Norzagaray Municipal Hospital si Linda Reyes matapos mabagsakan ng kongretong pader dahil sa pagsabog.

Patuloy namang gina­gamot sa Bulacan Medical Center sina Edgardo Padua, 17; Gena Biarcal, 33; Juvilyn Alvarez,16; Angelita  Dizo, 45; Julia Aspe, 30; at ang tatlong trabahador sa pagawaan ng paputok na sina  Alejandro Cruz, 30, Angelito Cruz, 36;  Wiwi Lorenzo, 30, naisugod naman sa Rogaciono Mercado Memorial District Hospital sa bayan ng Sta. Maria.

Ayon sa police report, nagsimula ang pagsabog habang pinuputol ni Angelito ang mitsa ng paputok na kanyang ginagawa.

Bunsod nito ay sunud-sunod ang malalakas na pagsabog at kumalat ang apoy sa mga kalapit na   barung-barong na gawa sa mahihinang materyales.

Aabot naman sa P.5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa pagsabog.

Nabatid na ginawang imbakan ng paputok ang nabanggit na lugar na sinasabing pag-aari ng mag-asawang Allan at Beverly Sarmiento na ngayon ay nahaharap sa mga kasong kriminal. Dino Balabo at Joy Cantos

ALEJANDRO CRUZ

ANGELITO CRUZ

BEVERLY SARMIENTO

BULACAN MEDICAL CENTER

DINO BALABO

EDGARDO PADUA

GENA BIARCAL

JOY CANTOS

JULIA ASPE

JUVILYN ALVAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with