4 tiklo sa 'hot meat'

BULACAN, Philippines  – Apat-katao ang dinakma ng mga operatiba ng pulisya matapos makumpiskahan ng toneladang hot meat sa bahagi ng Barangay Bunsuran 3rd sa bayan ng Pandi, Bulacan kamakalawa ng madaling-araw. Kinillala ni P/Senior Supt. Fer­nando Villanueva  ang mga suspek na sina Bienvenido Basona, may-ari ng katayan; Lloyd Gregorio, Romeo Casido at si Romeo Sumayang. Ayon kay P/Chief Insp. Rene Casis, naaresto ang mga suspek matapos na makatanggap ang kapulisan na may nagkakatay ng baboy na walang kaukulang dokumento at nakatakdang dalhin sa Kalakhang Maynila. Nabatid na nilitson pa ang kalahating tonelada upang hindi mahalata na hot meat. Kaagad naman sinunog ang karne ng baboy habang pormal naman kinasuhan ang mga suspek.

Show comments