NPA vice commander tiklo

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng pulisya at militar ang vice commander ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon sa bisinidad ng Barangay Poblacion sa bayan ng Cateel, Davao Oriental kahapon ng umaga. Sumasailalim na sa tactical interrogation si Ricky Sacaon, 26, opisyal ng NPA 20 Southern Mindanao Regional Committee. Ayon sa ulat, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Judge Jose Lopez ng Baganga Regional Trial Court (RTC ) Branch 7 sa Davao Oriental.

Show comments