3 holdaper ng dyipni tiklo

BULACAN, Philippines   — Tatlong lalaki na sinasabing notoryus na holdaper ng mga pampasaherong dyipni ang nadakma ng pulisya dahil sa isinagawang operasyon sa kahabaan ng MacArthur Highway sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Rowell Villa, 19; Juan Miguel Garcia, 20; at si Jimrex Casugay, 20, pawang mga residente ng Northville 5, Brgy. Batia. Ayon sa ulat, ang tatlo ay itinuturong nangholdap sa dalawang pam­pasaherong jeepney na may mga rutang Guiguinto at Balagtas. Narekober sa mga suspek ang bagpack na nag­lalaman ng baril, mga patalim, pitaka, celpone, at iba pang personal na gamit ng mga biktima ng holdap.

Show comments