Punerarya nasunog: Bata todas

BULACAN, Philippines  – Aabot sa P6 milyong halaga ng ari-arian ang naabo kung saan nasawi ang isang 12-anyos na lalaki matapos su­mabog ang tangke ng LPG at masunog ang punerarya sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Sta. Rita sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kahapon ng umaga­.

Hindi na naisalba ang buhay ni Russel Nicolas, 12, anak ng may-ari ng De Jesus Funeral parlor na si Edwin Nicolas, 45. Ayon kay F/Senior Insp. Carlos Estipular, nagsimulang kumalat ang apoy sa ikalawang palapag ng punerarya kung saan tumagal ng isang oras bago maapula ang sunog habang patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Show comments