Municipal councilor itinumba

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kon­sehal habang nag-i-escort ng mga ballot boxes ka­sama ang mga poll watcher at Board of Election Tellers (BET) sa bayan ng Balud, Masbate noong Martes ng hapon.

Base sa ulat, bandang alas-4:45 ng hapon ma­ta­pos maantala ang elek­syon nang mag-escort si Balud Councilor Ronald Ariola sa ballot boxes na dadalhin na sana sa muni­sipyo nang hara­ngin ang grupo ng dala­wang arma­dong lalaki sa Barangay Mapili.

Kinalad­kad at inihiwalay sa grupo ang biktima saka pinagba­baril hanggang sa mapa­tay. Ligtas namang na­ka­rating sa munisipyo ang mga poll watcher at BET na kasama ni Ariola. Nare­kober naman ang ban­gkay ni Ariola kahapon ng ma­daling-araw sa Sitio Palanas.

Show comments