Natalo sa 'tong-its' namaril

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Isang fish vendor ang na­sawi matapos itong barilin ng kanyang nakalaban sa sugal na ‘tong-its’ sa isang lamayan sa Tacurong City, Sultan Kudarat kamaka­lawa ng gabi.

Ang biktima ay nakila­lang si Jose Artajo Bonita, 38, at nakatira sa Pobla­cion, Tacurong City habang pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si Bobot Ramos.

Ayon sa ulat, naglalaro ng ‘tong-its’ ang suspek at biktima sa isang lamayan ng patay nang uminit ang ulo ng suspek dahil sa nata­talo ito.

Nang biglang umayaw ang biktima at tatayo sa upuan ay biglang binunot ng suspek ang sukbit ni­tong baril saka pinagba­baril ang biktima.

Show comments