Cook, sekyu inutas sa Cavite

CAVITE, Philippines  – Dalawa-katao ang iniulat na napaslang sa magkahiwalay na karahasang naganap sa Cavite kamakalawa. Si Jeffrey Magos, 33, cook ng Ana Green­house Tapsihan at nakatira sa Brgy. Wakas 2 ay sinak­sak at binaril habang nakaupo sa harapan ng tapsihan sa Barangay Kaingin sa bayan ng Kawit, Cavite. Samantala, pinagbabaril naman hanggang sa mapatay ang civilian security na si Jose “Joel” Amparo habang pauwi lulan ng motorsiklo kahapon ng umaga sa Brgy. Alingaro, General Trias, Cavite. Ayon sa pulisya, si Amparo na naghatid ng anak sa eskuwelahan ay hinarang at niratrat ng mga sakay ng puting kotse na may plakang SVD-727.

Show comments