Misis dinedo dahil sa selos

QUEZON, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 35 -anyos na misis ng kanyang lover dahil sa matinding selos makaraang magtalo sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Barangay Malabanban Sur, Candelaria, Quezon. Napuruhan sa ulo si Analyn Malabanan habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Ronaldo Mirano. Ayon kay SPO2 Menardo del Mundo, narinig ng mga kapitbahay na nag-aaway ang dalawa hanggang sa umalingaw­ngaw ang sunud-sunod na putok ng baril. Namataan na lamang ng ilang kapitbahay na palakad na lumabas ng bahay ang suspek na animo’y walang naganap na pamamaril.

Show comments