Task Force Cliff Ampatuan binuo
MANILA, Philippines – Binuo na kahapon ang Task Force Cliff Ampatuan, upang resolbahin ang pananambang at pagkakapatay sa apo ni ex-Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat noong Oktubre 13.
Ayon kay P/Supt Teng Tocao, officer-in-charge ng Sultan Kudarat Provincial Police Office, kabilang sa bubuo sa Task Force bukod sa kaniyang himpilan ay ang Esperanza Municipal PNP, Criminal Investigation and Detection Group at Provincial Public Safety Management Company.
Napaslang si Datu Cliff Ampatuan, 50, matapos ratratin ng mga armadong lalaki kung saan nasugatan naman ang kanyang misis na si Bai Normina Ampatuan, Ali Omar at isang alyas Harris Gaya.
Ang grupo ni Datu Cliff na patungo sana sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat nang tambangan sa Brgy. Laguinding.
Napag-alamang bayaw din ni Mayor Datu Akmad Sangki ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao si Datu Cliff.
Sinisilip ang anggu long personal na alitan ng pamilya laban kay ex-Mayor Ali Camino ng Datu Abdullah Sangki na ang sinuportahan sa pulitika noong May 2010 mayoralty race ay si Andal Ampatuan Jr. na kabilang sa itinuturong mastermind sa Maguindanao massacre.
- Latest
- Trending