Dalagita ginahasa, pinatay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang 14-anyos na dalagita ang ginahasa saka pinatay ng hindi nakilalang mga sus­pek matapos matagpuan ito sa damuhan sa Baran­gay Pamurayan, Sorsogon City kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakila­lang si Mildred Arevalo, high school student ng Sor­sogon National High School.

Ayon kay Supt. Eriberto Olitoquit, Sorsogon provincial director, nakita ang bangkay ng biktima ban­dang alas-5 ng madaling- araw kahapon na nakahan­dusay sa madamong lugar at tadtad ng saksak ang hubad na katawan nito.

Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na gina­hasa bago pinatay ang dalagita ng mga hindi nakilalang suspek.

May hinala din ang pu­lisya na mga sabog sa gamot ang mga gu­mawa ng karumal-dumal na krimen sa dalagita.

Show comments