2 adik sa video karera itnumba

QUEZON, Philippines  – Dalawa-katao na sinasabing tumangging pagbigay ng balato mula sa video karera ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong lalaki sa Barangay Masin Sur sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo sina Jerod Mamburao, 19 at Alvin Datinguinoo, 22. Samantala, tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Russel Olgado at dalawang nakilala sa mga alyas Lucas at Raffy. Ayon kay PO2 German de Villa, tumangging magbigay ng balato ang dalawa sa tatlong kaibigan na nauwi sa suntukan. Subalit lingid sa mga biktima ay inabangan sila ng tatlo at isinagawa ang pamamaslang.

Show comments