MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagpapatupad ng Comelec gun ban kaugnay sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre 25, isa na namang barangay chairman ang niratrat at napatay ng mga rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Kibawe, Bukidnon kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Chairman Manuel Fajardo ng Barangay Tumaras sa nabanggit na bayan. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na papauwi na ang biktima mula sa pagpupulong sa kanilang barangay nang harangin at pagbabarilin ng grupo ng Front Committee 53 ng NPA.