Totoy lasog sa granada

MANILA, Philippines - Nagutay ang katawan ng isang 12-anyos na lalaki habang isa pa ang grabeng nasugatan matapos na sumabog ang inihagis na granada sa Barangay Binangonan, sa bayan ng Veruela, Agusan del Sur kamakalawa. Idineklarang patay sa Bunawan District Hospital si Daryl Navarro habang patuloy namang ginamot si Bernard Maguguinimba, 38. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Joseph Lozano na itinuturong naghagis ng granada sa bahay ng mga biktima sa Purok 5 bandang alas-8 ng gabi.

Show comments