5 tulak dakma sa buy-bust

BULACAN, Philippines  – Kulungan ang binagsakan ng limang drug pusher makaraang maaresto ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Pandi, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga naaresto at kinasuhan ay sina Johnny Estrella, 39, ng Brgy. Siling Bata; Christopher Bryan Sebastian, 28, ng Brgy. Bagong Barrio; Rolando Ramos, 39; Jose Dela Peña, 43, kapwa nakatira sa Brgy. Poblacion; at si Armando Francisco, 43, ng Brgy. Bulihan, Plaridel. Sa ulat ni P/Chief Insp. Rene Casis, nadakma ang mga suspek sa bahay ni Estrella. Nabatid na si Estrella ay isa sa karnaper ng Toyota Fortuner (RFW-989 ) sa bayan ng Bacolor, Pampanga noong Agosto 20, 2010.

Show comments