Nagbigti dahil sa kahirapan

PANGASINAN, Philippines  — Pinaniniwalaang kahirapan sa buhay ang isa sa motibo kaya nagbigti ang isang 30-anyos na magsasaka sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Bacag East sa bayan ng Villasis, Panga­sinan noong Linggo ng gabi. Natagpuan ang bangkay ni Benjie Vergara ng kanyang ka-live-in na si Malou at kaibigang si Rudy Dapig. Nabatid na ikalawang tangkang pagpapakamatay ng biktima kung saan unang napigilan matapos pakiusapan ng kanyang live-in partner.

Show comments